TULOY KA.
Click on any of the buttons above to navigate through the pages.
ito ay blog ng isang ordinaryong kaanib.
kung kaanib ka, tulad mo lang din ako. at oo, magkapatid tayo. :)
kay lungkot....
:(
posted @ 6:48 AM
Nakakatuwang isipin na yung mga kaibigan at kaKNC ko noon ay andito dito, nakakasalubong ko sa pasalamatan. Yung iba teatro na, yung iba choir, addict, manggagawa! Pag nakikita ko si China natutuwa ako para sakaniya, dahil manggagawa na siya ngayon, at alam kong mula palang nung knc pa kami dati e gusto na niya talagang maging manggagawa. Nakakatuwa din yung mga pagkakataon na magkakasalubong kayo nung manggagawa mo nung KNC ka pa at makikilala ka pa niya at saasbihing : "kamusta na?? ang laki laki mo na ah! Dati ganito ka lang kaliit e..." sabay pantay ng kamay sa tuhod, haha, OA pero nakakatuwa. ;) sobrang nakakatuwa. ;)
posted @ 10:48 PM
OO. kaanib ako. at laki ako sa iglesia. ihave this thick, long and unbelievable hair na hindi maaaring itago at hindi maaaring itanggi. Haha. Maramirami na rin ang nagtatanong sakin kung hair extension lang ba ito. Lalo na pag nalaman na nila kung hanggang saan ang buhok ko. Haha. May buhok akong hindi maitago at aware akong maay posibilidd na may mga INMD na nagkalat at agad agad na makakilala sakin pag nakita na nila ang buhok ko.
Lumaki akong pag bumili lang ako ng suka sa kanto ay pagtitinginan na at iintrigahin at uusisain ng mga taong di ko kilala ang buhok ko.
sanay na akong pag nasa apalit ako o pag nasa ibang lokal ay may bigla na lang hahawak ng buhok ko at sasabihing:
"ang kapal!" o
"ang haba", at yun, mageepal na, magtatanong na ng mga tanong na sampung libong beses ko nang nasasagot sa ibat ibang mga tao.
Sampung libong beses na akong nakakasagot ng mga nakawiwindang na mga tanong tulad ng:
"hanggang saan ang buhok mo?""anong shampoo mo?"
"Ilang taon na yan?"
"crush mo ba si piolo pascual? Ako kasi crush ko sya e.."…at marami pang iba.
Kaya minsan, pag may humahawak na ng buhok ko sa isang choir practice o sa tindahan ng kape sa apalit, okaya pag may narinig na akong
"wssst. Tigamo buhok niya ang kapal/haba" ay uunahan ko na lang ng pageepal ng matinding pageepal at sasabihin ko na lang agad na :
"hanggang paa ho; seven years na; sa lahi lang talaga naming ang makakapal ang buhok; at oo, mabigat." –para wala nang mahaba pang usapan. Okaya magdidikit na lang ako lagi ng papel sa likod ko kung saan nakasulat lahat ng mga sagot sa tanong nila. Para wala nang magtangka pang magtanong. Hah.
Ang nakakaasar pa ditto e yung pag nachempohan ka pa ng mga lukaret na tipong isusuot talga yung buhok ko at ipapatong sa ulo, sabay tawag sa mga kasama:
"hey look! Bagay ba? Jang geum syet!!". Nung minsang me gumawa sakin niyan, sinabihan ko na nga ng
"brad, (oo brad un, bading)
wag m na hilahin, masakit" pero hindi pa nahiya. Kaya ayun, nasigawan ko at nasabing
"di mo ba ko naiintindihan? Laruan ba buhok ko?", kainit ulo e, pero nagsori naman ako. At alam kong naintindihan nila ko nun.
Minsan na akong nagaral sa iskwelahang madaning INC.. Villagers montessori school to be specific. At alam nila ang relihiyon ko non dahil lokal ang bahay naming non at nagpupunta sila lagi saaminn, pero syempre hindi para dumalo, para maglaro. Hehe.
OO. laki ako sa iglesia. Nag KNC, nag KKTK junior, nagpabautismo, naging KKTK, naging choir. At stable nako sa ko sa localechoir. Wala ako balak mag district choir o ano. Hehe.
OO, laki ako sa iglesia. Hind pa nakakatikim ng alak, (wine pa lang), yosi (tambutso pa lang), disco (disco bowling pa lang), magpatato ( dahil dati ay gusto ko, at oo, bata pa ako non), hindi pa nakakatikim ng balot (at wala akong balak tikman kahit dati pa), at dinuguan (lalo na to), at mula ng maging kapatid ang mga magulang ko ay hindi nang nagkitang muli ang gunting at ang buhok ko. Masaklap nung una, dahil gaya ng sabi ng tatay ko, maliit pa lang ako e pinagdidiskitahan ko na daw ang buhok ko, palagi ko ginugupit at di ko hinahayaang humaba, nilalagyan ng bangs at oo, muka akong lalaki dati. Hehe.
nex taym ko na lang ikkwento anag mga nakahihibang na kwento sa buhay kaanib ko. bisita ka uli kaibigan! :)
posted @ 10:01 PM
ETC section. currently under construction :)